Sunday, November 5, 2017

Chicken Cooking in Sprite

(pic:credit to owner)
















Ingredients: 

1kg whole dressed chicken
500ml ng sprite or 7up
1 kutsarang pamintang durog
1kutsarang asin
1 malaking sibuyas na hiniwa
1 ulo ng bawang pinitpit
1 lemon or 3 kalamansi
3 pcs sili maanghang
4 na kutsarang toyo
3 kutsarang catsup
3 kutsarang hot chili sauce
50 grams ng butter ( optional)
3 dahon ng laurel ( optional )
1 kutsaritang msg as flavor enhancer (optional)
preparation time: 30 minutes
cooking time : 60 minutes

Cooking Procedures :
1.  Sa isang bowl, hugasang mabuti ang dressed chicken.
2.  Ilagay sa plate ang 1 kutsarang asin & 1 kutsarang pamintang durog haluin mabuti
3.  Sa isang mangkok paghaluin ang toyo, catsup at hot chili sauce
4.  Hatiin sa gitna ang lemon at isawsaw sa pinaghalong paminta at asin. Ito ang magsisilbing pang kuskos
5. Apply light pressure ikuskos sa buong katawan ng chicken ang pinaghalong asin at paminta
6. Bilotin ang tanglad, ipasok sa chicken kasama ang bawang sibuyas dahon ng laurel at sili
7. Pwedeng kalahati lang ng mga hiniwang ingredients ang ilagay sa loob ng chicken. Ang kalahati ay nasa pot
8. Gamit ang brush o kutsara, ipahid ang pinaghalong toyo, catsup at hot chili sauce
9.  Wait for 10-15 minutes
10  Sa malalim na pot na may diameter na 22 cms ilagay ang natirang kalahati ng mga hiniwang ingredients na sibuyas bawang dahon ng laurel at ang 50gms na butter (kung meron) saka ibuhos ang 500ml na sprite or 7up
11. Ang 500ml ay tama lang para kalahati ng katawan ng chicken ay nakalubog.
12. Takpan at on ang stove. Pag kumulo na i set na sa medium fire at doon mag start ang timer na 60 minutes
13. After 30 minutes, baliktarin ng dahan dahan para mag equal ang brownish color
14  Sa remaining 15 -20 minutes hayaang walang takip para nakikita kung gaano pa karami ang sabaw.
15  Mas hinaan ang apoy dahil mas madali na itong matuyo
16. Around 55 minutes luto na ito pero may konti pang sabaw
17  Pwedeng mag decide kong i complete ang 60 minutes. Sakto ito ay tuyo na
18. Ang iba gusto may konting sarsa. Hanguin ang chicken at ang tirang sabaw pwdeng timplahan ng liverspread. Masarap na sawsawan dahil naglalaban ang tamis anghang alat at asim.



No comments:

Post a Comment