Wednesday, September 5, 2018

Chicken Egado

(photo credit:mamasguiderecipe)

















Ingredients 

1 kg skinless chicken breast ( cut in strips)
1/2 kg chicken liver
1/2 kg chicken heart & intestine
1/3 cup soy sauce
1/3 cup vinegar
1 tsp peppercorn
2 pcs laurel
1 pack annato/atsuete powder
1/2 cup Jufran ketchup
1 red bell pepper (cut in strips)

3 cloves garlic (minced)
1 medium onions (sliced)
1 medium ginger(minced)
1 pcs potato , cut in strips
1/2 cup garbanzos (optional)
1/2 cup green peas
1 knorr chicken cube
water
cooking oil
salt or fish sauce


Cooking Directions


Sa isang kaldero, pakuluan ang atay, puso at balunbalunan ng manok sa tubig na may luya, asin at suka (pang-tanggal ng lansa).

Kapag kumulo na ang tubig ay tanggalin kaagad ang atay dahil madali lang ito maluto.

Hinaan ang apoy at hayaang kumulo ang puso at balunbalunan ng isang oras o hanggang maluto siya. Itabi muna at palamigin. Kapag malamig na ay hiwain ang lahat ng lamang loob ng maninipis (strips).

Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang hiniwang chicken breast.

Stir fry ng limang minuto. Idagdag ang isang tasa tubig at knorr chicken cube. Haluin, takpan, hinaan ang apoy sa medium heat at hayaang kumulo ng 10 minuto.

Ihalo ang puso, balunbalunan, toyo, suka, pamintang buo at laurel. Hayaan ulit kumulo ng 5 minuto. Idagdag ang atay at atsuete powder at haluin hanggang mamula ang kulay ng sauce. Hinaan ng husto ang apoy at hayaan ng 10 minuto.

Kapag malapot na ang sabaw ay idagdag ang garbanzos, green peas at red bell pepper. Habang hinahalo ay idagdag ang banana ketchup. Timpalahan ng ayon sa panlasa, maglagay ng kurot ng asin o patis. Patayin ang apoy at isilbi habang mainit pa at may kasamang kanin. Enjoy!!!






No comments:

Post a Comment